KALIDAD NG TUBIG SA TAAL LAKE, GUMANDA NA

PATULOY ang pagganda ng kalidad ng tubig sa Taal Lake, ilang linggo matapos pumutok ang Taal Volcano noong January 12, ayon sa Department of Agriculture.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na base sa pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) mula January 14-30, 2020, ay below critical level na ang dissolved oxygen sa Taal Lake.

Mahalaga ang dissolved oxygen sa growth at survival ng mga isda.

Nasa normal level naman ang sulphide level subalit nananatili sa critical level ang ammonia.

Pinayuhan ng DA ang mga fish cage operator na maari na nilang ipagpatuloy ang pagpapakain sa kanilang mga alaga sa Taal Lake.

Nagbabala naman si BFAR 4-A Director Sammy Malvas na huwag pakainin ng marami ang mga isda upang maiwasan ang pagtaas ng toxic ammonia. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap