IZA CALZADO, MAGDO DONATE NG BLOOD PLASMA SA MGA COVID 19 PATIENTS

Mag do-donate ng dugo si Iza Calzado sa mga pasyente na patuloy na lumalaban sa coronavirus disease o covid 19.

Ito ay matapos manawagan ang Philippine General Hospital (PGH) at Makati Medical Center sa COVID-19 survivors na mag-donate ng kanilang dugo para sa mga pasyenteng malala na ang kalagayan.

“The minute I got out, PGH and Makati Med both reached out to me, meron din parang blood or plasma drive ngayon na kayo po ay COVID survivor kapag magaling na po kayo,” ani Calzado.

“Katulad ko po nagpapagaling pa pwede nating i-donate ang plasma natin para makatulong tayo lalo na sa mga kababayan natin na in critical condition,” dagdag pa ng aktres.

Willing si Iza na i-donate ang kanyang blood plasma sa mga coronavirus patients bilang tulong sa mga tinamaan ng sakit.

Negatibo naman ang naging resulta ng ikalawang COVID 19 test ni Iza kung saan inihayag niya na ligtas na siya sa panganib.

Noong March 28 ay negative ang resulta ng COVID 19 test ni Iza at makalipas ang ilang araw ay idineklarang ligtas na ito mula sa virus matapos ang pakikipaglaban sa lung infection. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap