ISDA NAGBAHAGI NG TULONG SA 5K PAMILYA SA VISAYAS AT MINDANAO

Bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan ngayong Abril 9, 2021, nagdaos na isang malawakang simultaneous outreach programs ang Inday Sara Duterte Ako (ISDA)-Volunteer Support Group sa ibat-ibang siyudad sa rehiyon ng Visayas at Mindanano para sa ating mga makabagong panahon na mga bayani: ang ating mga kababayan.

Sa temang, “”Sharing and caring never stops, anytime, all the time!”, pinangunahan ng ISDA Director for Mindanao na si Attorney Jet Lim at ang mga kasama niya volunteers sa mga probinsiya ng ZAMPENBASULTA, SOCKSARGEN, Davao Del Sur, Samar-Leyte, at Cebu ang mga aktibidad na nagbigay tulong sa 5,000 pamilya.

Kabilang sa mga aktibidad na kanilang idinaos ay feeding programs sa mga 300 kabataan sa Yolanda Reclamation Site sa Leyte, 500 internally displaced persons sa Tulungatung, Zamboanga City, mga seniors, kabataan, at mga magulang ng Barangay Putik-East Coast, Zamboanga City, 300 Badjao na bata sa Badjao village, Bongao Tawi-Tawi, mga indigent families ng Barangay Tongmageng, Sitangkai, mga pamilya sa Barangay Walled City, Jolo, Sulu, sa mga piling pamilya sa Zamboangay Sibugay.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng libreng gasolina sa ating masisipag na tricyle drivers sa 102 drivers ng Cebu-Mandaue Tricycle Association, 240 tricycle/trisikad drivers ng General Santos City at Polomolok, South Cotabato, 290 tricycle drivers ng Bansalan, Davao Del Sur, sa Tetuan Highly Urbanized Barangay Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng bayan ng Zamboanga.

Sa panahong ito, ang ating mga tunay at makabagong mga bayani ay ang mga kababayan nating nagsusumikap sa gitna ng balakid na ating dinadanas dulot ng pandemya at kahirapan.EC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap