INFLATION NOONG ENERO, PUMALO SA 2.9 %

Pumalo sa 2.9 percent ang inflation rate ng Pilipinas sa unang buwan ng 2020.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, mas mataas ito kumpara sa 2.5 % na naitala noong December ng 2019.

Pasok naman ito sa projected range ng mga ekonomista ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2.5 hangang 4% inflation rate forecast.

Kabilang sa mga nakaapekto sa bahagyang pagtaas ng inflation, ayon sa PSA ay ang pagsipa sa presyo ng LPG at ilang mga food items.

Kasama na din umano dito ang naging adjustment sa excise taxes sa mga tobacco products nitong Enero. (Jane Manalastas)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap