Ineskortan din sa pag-uwi sa Ilocos Sur OFW NA INA NI RAPE VICTIM FABEL PINEDA PINA-SWAB TEST NG PNP

ANG Philippine National Police (PNP) ang tumugon sa panawagan ni Presidential Spokesman Harry Roque na isailalim agad sa swab test ang umuwing overseas Filipino worker (OFW) na ina ni rape victim Fabel Pineda.

Ito ay upang mabilis makapagbiyahe pauwi si Blessie Sinco sa Cabugao, Ilocos Sur para masilayan ang 15-anyos na anak na si Fabel na umano’y minolestiya at pinatay ng dalawang pulis na miyembro ng San Juan Municipal Police sa Ilocos Sur.

Ayon kay PNP Deputy Chief PLt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, kaniyang inatasan ang PNP Health Service na kunan agad ng swab sample si Ginang Sinco na tumuloy sa isang hotel sa pasay CIty nang dumating sa bansa mula Kuwait noong Hulyo 13.

Makaraan ang swabbing ay dinala sa PNP Crime Laboratory ang sample mula kay Sinco para sa mabilis na proseso at resulta ng test.

Ipinaliwanag ni Cascolan na bahagi ng requirement sa issuance ng travel pass ang pagsasailalim sa swab test bilang pagsunod naman sa health protocols upang makaiwas ang paglaganap ng COVID-19.

Una nang hiniling ng ginang na i-exempt na siya sa mandatory 14-day quarantine upang makauwi sa Ilocos.

Pinaeskortan din ni Cascolan ang ginang sa pag-uwi nito sa Cabugao, Ilocos.

Kabilang sa naghatid sa ina ni Fabel sa kanilang probinsiya ay personnel mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), isang team mula sa PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG), security team mula sa Police Region Office-1 at Medical Team mula Health Service.

“Mrs. Sinco arrived safely at their residence in Cabugao, Ilocos Sur at about 4AM, she was escorted by OWWA personnel, a team from IMEG, a security team of Police Region Office-1 and Medical Team from Health Service, ” ayon sa report na natanggap ni Cascolan.

Batay naman sa report na natanggap ni Cascolan kahapon (Hulyo 15) maayos ang koordinasyon ng mga pulis sa pagbiyahe ni Sinco na ngayon ay ligtas nang nasa kanilang tahanan sa Ilocos Sur. EC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap