ILANG GAMIT SA PANG MONITOR NG PHIVOLCS, SA BULKANG MAYON, NINAKAW

Ninakaw ang ilang gamit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa pag monitor sa Bulkang Mayon.

Kabilang sa mga gamit na nawawala ng DOST-PHIVOLCS ang dalawang solar panels na 150 watts ang bawat isa na siyang ginagamit sa host instruments sa pag monitor sa lindol; Global Positioning Systems (GPS) at Tiltmeter.
Nitong lamang nakalipas na dalawang araw, naobserbahan ang crater glow o pag-ilaw ng bunganga ng Bulkang Mayon sa Albay.

“With loss of power supply, no data will be transmitted from this station and consequently will affect the monitoring of Mayon Volcano,” pahayag ng PHIVOLCS.

Noong Miyerkules, nadiskubre ng personnel ng Mayon Volcano Observatory na nawawala ang equipment noong magsasagawa sila ng routine inspection at preventive maintenance service.

Noong 2018, dalawang solar panels ng PHIVOLCS sa Guinobatan, Albay na ginagamit sa monitoring ng activity ng Mayon Volcano ang ninakaw din. (JM).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap