HOUSE COMMITTEE OF THE WHOLE, APRUBADO NA ANG PANUKALANG PAGBIBIGAY NG SPECIAL POWERS KAY PANGULONG DUTERTE SA PAGTUGON SA COVID 19

Inaprubahan na ng House Committee of the Whole ang panukalang bigyan ng special powers si Pangulong Rodrigo Duterte para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa pamamagitan ng batas na nagbibigay ng emergency powers sa pangulo, mapapalawak nito ang kapasidad ng pamahalaan upang mabilis at epektong makatugon sa public health emergency.

Kapag nabigyan na ng special powers si Pangulong Duterte ay mabibigyan ng pahintulot ang gobyerno na pansamantalang i-take over ang pangangasiwa sa operasyon ng mga privately owned na public utilities at business, Kabilang dito ang hotels, public transportation, at telecommunications entities.

Kasunod ng pag apruba ng Committee of the Whole ay agad na isasalang ito sa plenaryo ng Kamara para sa ikalawa at ikatlong pagbasa.(JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap