GUIDELINES SA REDUCING PHYSICAL DISTANCING NG DOTr, WALANG APPROVAL NG IATF

Inihayag ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi dumaan sa konsultasyon ng health experts ang operational guidelines na ipinatupad ng Department of Transportation o DOTr na reduced physical distancing sa public transport.

Ayon kay Año, ang regulasyon na ipinatupad ng DOTr kahapon ay hindi aprubado ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases

“Actually pinag-aralan ko ring mabuti kung paano nangyari. Noon kasing September 7, nagkaroon ng presentation si Secretary Chua ng NEDA at doon sinabi ni Secretary Chua ‘yung kaniyang recommendation, which is actually na-adapt ng IATF… adapt and continuously update the latest health standards and best practices in consultation with health sectors,” paliwanag pa ng opisyal

“Importante doon in consultation with health sectors. Kaya lang ang nangyari, nagpalabas ng operational guidelines ‘yung DOTr nang wala namang consultation sa health experts. Naglabas na sila ng 0.75 [meter], 0.50, 0.3… hindi ‘yan dumaan sa IATF,” saad pa ni Año.

Binigyan diin ni Año na tatalakayin nila ang naturang usapin ngayon araw at umaasa siya na babawiin ng DOTr ang kautusan sa rules sa physical distancing sa mga commuter.

“I hope so. Because first, wala naman talaga ‘yang approval ng IATF.. Dapat nakipag-usap muna sila sa health experts para malinaw talaga ano ba epekto niyan,” ani Año (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap