GUIDELINES SA MGA BARBER SHOP, SALONS AT DINE-IN, ILALATAG NG DTI

Ilalatag nina Trade Secretary Ramon Lopez at National Task Force against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez ang mga rekumendasyon nito sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases para sa special guidelines na kailangang masunod sa reopening ng barbershops, salons, at dine-in restaurants.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Department of Trade and Industry na posibleng magkaroon ng accreditation system o ang operasyon ng istriktong audit procedure bago payagang magbukas ang mga establishimyento.

Gagawin ang implementasyon nito na may koordinasyon sa DTI, health at safety officials ng local government units, at sa Department of the Interior and Local Government.

Ayon kay Lopez, kinikilala ng IATF na nasa mahigit 400,000 ang mga nagtatrabaho sa salons at barbershops.

Bagama’t gusto na rin nila na magbukas ang mga barber shop at salon sa general community quarantine ay kinailangan muna nila makita sa kanilang sarili kung kaya ng mga nasabing establishimyento na magpatupad ng karagdagang health protocolsupang maiwasan ang transmission ng virus.

Ibinahagi naman sa pahayag na nagustuhan ni Galvez ang demosntrasyon na kanilang nasaksihan sa mga nasabing establishimyento kung saan ay nakita nila na parehong napangalagaan ang kaligtasan ng kanilang mga kliyente at empleyado.

Bukod sa barbershops at salons ay inaaral na rin ng dalawang opisyal ang posibilidad na mapayagan ang mga fast food restaurants na tumanggap ng dine-in customers na 50% lamang ng kapasidad nito upang matiyak ang social distancing. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap