GOBYERNO MANGUNGUTANG NG $5.6B SA FOREIGN BANKS PARA PANTUGON SA COVID-19 – FINANCE SEC

PINAG-AARALAN ng pamahalaan na mangutang ng $5.6 billion mula sa World Bank at Asian Development Bank upang suportahan ang ekonomiya sa gitna ng epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“We are also coming up with a program to borrow more money to continuously support the economy and our fight against COVID-19,” sabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa isang televised briefing kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang Cabinet officials ngayong Huwebes ng madaling araw.

“Right now, tina-tap natin iyong kaibigan natin sa ADB and World Bank, and we will probably be borrowing $5.6 billion from them. Kung kulang pa, we will probably be going sa commercial market,” saad pa ni Dominguez.

“We are confident we have the financial capability to bridge this problem that COVID-19 has brought us. We want to assure all our citizens at this point in time that we have the money, but we have to realize hindi endless ang perang ito, so we have to send correctly.” Dagdag pa nito.

Sa televised address kaninang madaling araw, sinabi ni Pangulong Duterte na ikinu-konsidera niya ang pagbebenta ng assets ng pamahalaan upang mapunan ang pondo para sa pagsugpo sa COVID-19 at pagtulong sa mga apektadong Filipino. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap