FORMER JUSTICE SEC. AGUIRRE, IPAPATAWAG NA RIN NG SENADO KAUGNAY SA PASTILLAS SCHEME.

Ipapatawag na rin sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children Family Relations and Gender Equality si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre kaugnay ng ‘pastillas scheme’.

Ito ay matapos syang idawit ng kolumnistang si Ramon Tulfo sa ilegal na kalakaran ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Tulfo, inihahatid pa ng helicopter sa probinsya ni Aguirre sa Mulanay, Quezon ang parte nito sa mga padulas na binibigay ng mga Chinese national para mabilis na makapasok ng bansa.

Sa isinagawang pagdinig kahapon, sinabi ni Committee chairperson Senator Risa Hontiveros na bukod kay Aguirre, posibleng ipatawag din sa hearing ang isa pang sinasabing pinagkunan ng impormasyon sa alegasyon laban sa dating kalihim.

Mababatid na nabunyag sa naunang pagdinig na tumatanggap ng libu-libong salapi ang mga Immigration personnel mula sa mga Chinese national simula nang tanggalin ang kanilang overtime pay. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap