EMERGENCY USE NG COVID-19 VACCINE NG SINOPHARM, INAPRUBAHAN NG PILIPINAS

Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use para sa COVID-19 vaccine ng Sinopharm ng China.

Sa televised meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, Lunes ng gabi, sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na binigyan nila ng otorisasyon ang Department of Health (DOH) na tanggapin ang donasyong COVID-19 shots ng Sinopharm.

Aniya, pinag-aralan na ito ng mga eksperto at matapos ang ebalwasyon ng FDA, ay pinagkalooban na ito ng emergency use authorization (EUA).

Matatandaang ang DOH ang nagsumite ng EUA application para sa Sinopharm, na pinagkalooban na rin ng emergency use listing ng World Health Organization (WHO).

Ang naturang Chinese vaccine ang brand na itinurok kay Pangulong Rodrigo Duterte. (LSR)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap