EKONOMIYA NG BANSA, BUMAGSAK NANG HUSTO DAHIL SA COVID-19

Bumagsak sa 0.2 percent ang gross domestic product (GDP) ng bansa sa first quarter ng 2020.

Ito ay matapos na magpatupad ng lockdown ang pamahalaan dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, kung saan maraming mga negosyo ang nagsara dahilan kung bakit marami rin ang nawalan ng trabaho.

Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ito ang pinakaunang pagkakataon na bumagsak nang husto ang ekonomiya ng Pilipinas sa nakalipas na 22 taon magmula nang magkaroon ng Asian financial crisis noong 1998.

Nauna nang sinabi ng mga economic managers na inaasahan na nila ang “zero growth” scenario para ngayong 2020.

Malabo na anilang makamit ang target na 6.5-7.5 percent growth target ngayong taon dahil sa epekto ng COVID-19 crisis sa ekonomiya ng bansa.

Mababatid na pumalo pa sa 6.7 percent ang GDP growth noong fourth quarter ng 2019, at 5.6 percent naman sa first quarter ng nakalipas na taon.

Sa ngayon, aminado ang pamahalaan na hihina pa lalo ang ekonomiya ng bansa sa mga susunod na buwan.

Kaya naman naghahanda na ang mga economic managers para sa technical recession o dalawang quarters na negative GDP growth. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap