EFFICIENT AT ACCOUNTABLE PH COURTS, ISASAKATUPARAN SA GOJUST II NI CJ GESMUNDO

Inilatag ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang “strategic plan” ng Supreme Court (SC) sa susunod na limang taon upang mapanatiling efficient at accountable ang mga korte sa bansa.

“Once and for all, the Judiciary must deliver its services, both adjudicative and administrative, real time,” sabi ni Gesmundo.

Inanunsyo ng Punong Mahistrado ang plano sa virtual launching ng Justice Sector Reform Programme: Governance in Justice (GOJUST II), isang proyekto na sinuportahan ng European Union, noong November 25.

Inamin ni Gesmundo na minana ng SC ang mahigit daang taong hudikatura na dinadapuan ng maraming problema, gaya ng institutional, cultural at societal.

Hiniling ng Chief Justice ang suporta at inputs mula sa kanyang mga kasamahan sa Kataas-taasang Hukuman para sa implementasyon ng five-year plan hanggang 2026.

Una rito ay karapat-dapat na magkaroon ang mga Filipino ng judiciary na may competence, integrity, probity, at independence.

Dapat din maibigay ng judiciary ang pantay na access sa katarungan sa totoong oras at dumepedende sa transparency at accountability ang kumpiyansa ng publiko sa hudikatura.

At dapat din na teknolohiya ang magsisilbing platform sa pagpapatakbo ng basic court systems at processes.

Sinabi ni Gesmundo imomonitor at ie-evaluate ng SC ang performance ng mga justices, judges, at court officials at personnel.

Upang matugunan aniya ang delay at pangangailangan ng litigants, nag set up ang Justice Sector Coordinating Council (JSCC) ng iba’t ibang Justice Zones sa bansa kung saan maaring mag-convene at talakayin ng mga korte, prosecution, law enforcement, correctional institutions, at community ang mga problema.

Tiniyak ni Gesmundo na sa panahon ng kanyang pamumuno, patuloy na gagabay ang GOJUST sa pagtatatag ng mga karagdagang Justice Zones.

Muli ring inihayag ng Punong Mahistrado ang kahalagahan ng teknolohiya sa paghahatid ng hustisya, kaya kailangan maging handa sa technological evolution.####

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap