EDCA POSIBLENG KANSELAHIN DIN NI PANGULONG DUTERTE

EDCA POSIBLENG KANSELAHIN DIN NI PANGULONG DUTERTE

MAARING kanselahin din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa Estados Unidos, ayon sa kanyang tagapagsalita.

Ginawa ni Presidential spokesman Salvador Panelo ang pahayag dalawang araw matapos opisyal na abisuhan ng Pilipinas ang Amerika na tinatapos na nito ang Visiting Forces Agreement (VFA), na nangangasiwa sa bumibisitang US personnel sa bansa habang nagsasagawa ng military exercises.

“The way his body language says, mukhang ayaw niya na rin niyan. Kasi considering na sinasabi niya na it’s about time to stand on our own, strengthen our resources, our capabilities of defending our country,” sabi ni Panelo sa isang panayam sa radyo.

“We can’t be relying forever. We cannot be a parasite to every country na ang gusto natin tumulong sa atin.”

2014 nang lagdaan ang EDCA kung saan pinapayagan ang US na magtayo ng istruktura; maglagak ng preposition weapons, defense supplies and materiel; at mag-posisyon ng mga sundalo, civilian personnel at defense contractors, transit at station vehicles, vessels, at aircraft sa loob ng sampung taon.

Una nang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang pagbasura sa VFA ay mangangahulugan na “practically useless” ang EDCA at “hollow agreement” na lamang ang Mutual Defense Treaty.” /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap