DOH, KINUMPIRMA ANG PAGSUSPINDE NG PAGBIBIGAY NG VISA PARA SA IRANIAN NATIONALS

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang pagharang ng Department of Foreign Affairs sa pagbibigay ng visa sa lahat ng Iranian nationals na nagbabalak pumasok ng bansa.

Itoy dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng kaso COVID-19 sa Iran.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakapagtala ang bansa ng 7.3% ng death case contribution sa global situation ng nasabing sakit

Batay sa tala ng DOH, ang pinakaapektadong mga bansa na sumunod sa China ay South Korea na may 3,150 na kaso at 16 patay; Italy na may 650 kaso at 17 patay; Iran, 593 kaso at 43 patay; Japan, 202 kaso at limang patay; at Hong Kong, 93 kaso at dalawang patay. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap