DINE -IN SERVICES SA MGA GCQ AREA, PAPAYAGAN NA SA JUNE 15

Papayagan na ang 30 percent capacity ng dine-in operations sa mga restaurant sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine simula sa June 15.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na mag operate ang dine-in services sa GCQ area kung saan 30 percent capacity ang pinapayagan sa loob.

Paliwanag pa ni Lopez na kung noong bago mag pandemic ay nasa 100 person ang ina-accommodate ng restaurant o food establishment, ngayon ay nasa 30 persons na lamang ang papayagan sa dine in.

Kailangan din aniyang ipatupad ng mga food establishment ng health protocol gaya ng disinfection, pagsusuot ng face mask at social distancing.

“Na-recognize ang pangangailangan ng about 1.9 million workers sa industriya na ‘to. Sa huling talaan, may 700,000 na nawalan ng trabaho sa industriya na to… from 1.9 [million] to 1.2 (million) versus last year,” he said.

Sinabi pa ni Lopez na papayagan na rin ng gobyerno ang muling pagbubukas ng iba pang dine in services gaya ng “karinderya, food kiosks, fast-food, casual dining, fine dining.” (JM).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap