DILG, PINAWI ANG PANGAMBA NG MGA TAGA- TAGA CAPAS, TARLAC SA PAGKALAT NG VIRUS SA KANILANG LUGAR

Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga residente ng Capas, Tarlac na wala silang dapat na ipag alala sa posibleng pagkalat ng 2019 novel coronavirus sa kanilang lugar.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, mahigpit ang pagbabantay ng ginagawa ng mga otoridad sa paligid ng quarantine site sa New Clark Ciy, kung 18 minuto ang layo mula sa Bayan ng Capas.
Binigyan diin pa ni Malaya na mahigpit ding tinututukan ng mga health authorities ang mga sasailalim sa quarantine.

“There is really nothing for the people of Capas to be worried about since none of these repatriates showed symptoms of the disease,” ani Malaya.

Kahapon ay dumating na sa bansa ang 30 pinoy na mula sa Wuhan City, China kung saan sa kasalukuyan ay nasa 900 katao na ang nasawi sa bagong coronavirus. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap