DIGITAL VANDALISM SA CAMP CRAME, IKINADISMAYA NG PNP

DISMAYADO ang Philippine National Police (PNP) sa “digital vandalism” na ginawa sa mga pader ng Camp Crame sa gitna ng paggunita sa ika-34 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa statement ni PNP spokesman, Police Brigadier General Bernard Banac, Martes ng gabi, binigyan diin nito na nirerespeto ng PNP ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin ng mga tao.

Gayunman, ang kalayaang ito aniya ay mayroon ding limitasyon at hindi dapat lumalagpas sa interes ng nakararami.

“Although the vandals did not leave any visible mark, the fact that the attack targeted a national historical site on the same day that the country commemorates the anniversary of the EDSA People Power Revolution makes it totally deplorable,” ani Banac.

Noong Lunes ng gabi, ay inilawan ng mga miyembro ng Concerned Artists of the Philippines (CAP) ang mga pader ng Camp Crame, kasabay ng pagkondena sa umano’y human rights abuses ng Duterte administration.

Inilagay pa ng grupo ang wanted na litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte at may nakasulat na mga katagang “Terorista” at “Taksil.” /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap