DIARY NG NURSE MULA WUHAN

Isang nurse mula sa First Inpatient Ward of Wuhan Pulmonology Hospital ang nagkwento ng kanyang karanasan sa gitna ng epidemyang dulot ng novel coronavirus.

Kwento ni Hu Xuejun, night shift ang kanyang duty sa ospital at dahil delikadong mag drive sa dis-oras ng gabi ay inihatid siya ng kanyang ama sa trabaho.

Pinakita niya ang mga marka sa kanyang mga pisngi at noo na mula sa mahabang oras na pagsusuot ng mouth-muffle, goggle, face shield at cap na bahagi ng kanilang protection suit.

Ilang araw ang bibilangin bago matanggal ang mga marka sa kanyang mukha.

Ipinakita rin ng nurse ang isinusuot nilang tatlong layer ng gloves. Gayundin ang goggles na karaniwang lumalabo kaya nilalagyan niya ng kaunting liquid soap.

Napakainit din ng isinusuot nilang protection suit dahil walang anumang hangin na maaring pumasok o lumabas dito. At umaabot ng tatlo hanggang apat na oras bago nila ito hubarin.

Sinabi ni Hu Xuejun na masayang masaya siya kapag nakakakita ng pasyenteng nakaka-rekober at lumalabas ng ospital. Pakiramdam niya ay nawawala ang kanyang pagod. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap