DEPARTMENT OF AGRICULTURE, MAG-AANGKAT NG 300K TONELADANG BIGAS

Nakatakdang mag-import ng may 300,000 metrikong toneladang bigas ang gobyerno para mapalakas ang imbak nito kapag lean month.

Ayon sa Department of Agriculture, opisyal nitong binuksan ang government-to-government rice importation sa mga karatig na bansa gaya ng Myanmar, Vietnam, Thailand, India at Cambodia.

Epektibo Marso 2019, pinayagan ng Pilipinas ang unlimited importation ng bigas basta makasiguro ang trader ng phytosanitary permit mula sa Bureau of Plant Industry at magbabayad ng 35% tariff para sa shipment. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap