DEATH TOLL SA COVID-19, UMAKYAT NA SA 8

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may dalawang nadagdag sa nasawi sa coronavirus disease 2019 (covid-19), dahil dito umakyat na sa 8 ang death toll sa naturang sakit.

Patuloy naman ang DOH sa pangangalap ng mga detalye kaugnay sa dalawang pasyente na namatay sa covid-19 na kanilang ilalabas ngayong araw sa sandaling makakuha na ng mga impormasyon.

Una nang napaulat ang pagkamatay ng isang pasyente sa Cagayan De Oro City sa Misamis Oriental.

Ayon sa DOH, pumanaw si Patient 40, noong alas 9 ng gabi, noong Biyernes habang naka-confine sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC). (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap