DATING MRT GENERAL MANAGER AL VITANGCOL, HINATULANG GUILTY SA KASONG GRAFT.

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si dating MRT General Manager Al Vitangcol at PH Trams incorporator Arturo Soriano sa kasong graft at paglabag sa government procurement law.

Sa 45 pahinang desisyon, Sinabi ng anti-graft court na hindi sinabi ni Vitangcol na si Soriano ay kanyang uncle in law at mas binigyan nito ng pabor ang PH Trams para sa maintenance contract ng MRT3 noong 2012.

Sa inilabas na 45 pahinang desisyon, Sinabi ng Sandiganbayan na nagpakita ng “bad faith” si Vitangcol matapos nitong hindi sabihin na ang relasyon niya kay Soriano ay uncle in law na nagdidiskwalipika sa PH Trams sa bidding.

Dagdag pa ng Sandiganbayan na “The sheer magnitude of the tasks and responsibilities of Vitangcol III not only required absolute uprightness and honesty from him but, more importantly, utmost faithfulness to his sworn duty, especially since the subject Contract not only involved a large amount of money but also would greatly affect the safety of the riding public.”

Iginiit pa ng Sandiganbayan na sa 2009 Revised Implementing Rules and Regulations of the Procurement law na maaring otomatikong madiskwalipika sa bidding ang isang procuring entity kung mayroong opisyal o empleyado nito ang mapapatunayang kamag-anak sa kawani ng gobyerno na nagsasagawa ng bidding. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap