DALAWANG KONGRESISTA NAALIS SA PINAMUMUNUANG KOMITE SA GITNA NG KUDETA LABAN KAY CAYETANO

DALAWANG miyembro ng Kamara ang nawalan ng pinamumunuang komite sa gitna ng umano’y kudeta laban kay Speaket Alan Peter Cayetano.

Inalis si Davao City Representative Isidro Ungab bilang chairman ng House Committee on Appropriations at ipinalit si ACT-CIS party-list Representative Eric Go Yap.

Nawala rin kay Oriental Mindoro Representative Salvador Leachon ang pamumuno sa House of Representatives Electoral Tribunal matapos ihalal sa posisyon si Kabayan party-list Representative Ron Salo.

Si Yap ang chairman ng House Committee on Games and Amusement subalit matapos mahalal sa ibang komite ay ibinoto si Abra Representative Joseph Sto. Niño Bernos bilang kanyang kapalit.

Si Cavite Representative Boying Remulla ang gumawa ng nominasyon at walang miyembro ng Kamara ang tumutol sa kanyang nominasyon. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap