DALAWA SA 24 NA KASO NG COVID-19, KRITIKAL – DUQUE

NASA kritikal na kondisyon ang dalawa sa 24 na kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.
Sa congressional hearing ngayong Martes, sinabi ni Duque na kasalukuyang naka-incubate at nasa kritikal na kalagayan ang isang Filipino at isang Amerikano.
Ang Pinoy ay 62-anyos na unang na-diagnose na may severe pneumonia at may iba pang sakit, gaya ng diabetes at hypertension.
Ang Amerikano naman ay marami na umanong “preexisting conditions” bago pa man ma-diagnose na may COVID-19.
“All of these mirror the same serious, if not critical cases that have been observed in Wuhan and the Hubei Province [in China], the epicenter of the COVID-19 virus,” ani Duque.
“It looks like more and more data that come in show that most of the cases are actually mild cases, 80 to 85%,” dagdag pa nito. /lsr