DAHIL SA MABAGAL NA INTERNET SPEED… IMEE: WHY, OH WHY, MY WIFI!

Binatikos ni Senador Imee Marcos ang tila hindi pagbibigay ng prayoridad ng pamahalaan para maisayos ang mabagal na internet connection sa bansa ngayon na nahaharap ang buong mundo sa sinasabing “new normal” bunsod ng COVID-19 pandemic.

Dahil dito, nanawagan si Marcos, chair ng Senate committee on economic affairs, sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na mag-level up na dahil sa ito ang hinihiling ng panhon, at tiyakin na mabibigyan ng prayoridad ang digital infrastructure gaya nang pagbibigay importansya sa public works at transportation projects sa ilalim ng Build-Build-build program.

“Level up na tayo DICT! Nangungulelat tayo sa buong Asya pagdating sa internet speed. Matagal na tayo dapat nag-upgrade, pero hanggang ngayon nasa 3.5 mbps lang tayo,” ayon kay Marcos.

Ayon kay Marcos, dinaig pa ang Pilipinas ng mas maliliit na ekonomiya gaya ng Laos, Myanmar at Cambodia pagdating sa internet speed. At kung ikukumpara naman sa mauunlad na estado tulad ng Singapore at Hong Kong, halos 19 hanggang 22 times na mas mabilis, ayon sa Ookla Net Index na kilala sa buong mundo pagdating sa pag-test ng internet performance.

“Mabagal na internet speed dagdag pa ang limitadong pag-access online resulta niyan makupad na ekonomiya at mababang uri ng pamumuhay, pahirap lalo sa mga lokal na pamahalaan na nasa mga liblib na lugar sa bansa,” ani Marcos.

Dagdag ni Marcos, mas magiging matagumpay ang gobyerno sa contact tracing, online education, e-commerce at e-jobs at maging pagresolba ng krimen at mga eleksyon sa hinaharap kung mapagbubuti at mapaghuhusay ang digital infrastructure ng bansa.
Inungkat din ni Marcos ang pagpasok ng ikatlong telco player na tila natabunan na.

“At ano na nga ba ang nangyari ditto sa third telco player? Naghihintay ang publiko sa kung anong update meron ang DICT sa kanyang mga project,” dagdag ni Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap