COVID 19 CASE SA BUONG MUNDO, NASA MAHIGIT 3 MILYON NA

Nasa mahigit 3-milyon na ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa naturang bilang na 3,116,398, 217,153 ang nasawi –pinakamalaki rito ang mula sa Estados Unidos na umabot sa mahigit sa 58,955 katao.

Samantala, bagamat kasama sa mga nagtala ng pinakamaraming kaso ang France at Spain, naglalatag na sila ng planong paluwagin ang ipinatupad nilang lockdown pagpasok ng Mayo.

Nangangahulugan ito ng unti-unti nang pagbubukas ng ilang business establishments sa dalawang bansa. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap