CORONAVIRUS UPDATE: KASO NG COVID 19 SA PILIPINAS, LOMOBO NA SA 803 ….. 54 NASAWI

Umakyat na sa 803 ang kaso ng COVID 19 sa Pilipinas matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 96 bagong kaso.

Sa datos ng DOH, nasa 54 ang nasawi habang 31 ang gumaling sa sakit.

Kahapon ay nakapagsagawa ng 2, 147 test ang DOH, sa naturang bilang 784 ang negatibo sa pagsusuri habang 654 ang naka-pending pa ang resulta.

Ayon sa DOH, 722 ang person under investigation at 6,321 ang person under monitoring sa coronavirus. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap