CONSTRUCTION WORKERS SA WUHAN, DI INALINTANA ANG BANTA NG NCOV MAITAYO LANG ANG OSPITAL

Sa loob lamang ng 10 araw ay naitayo sa Wuhan City sa China ang Fire God Mountain Hospital sa gitna ng patuloy na paglaban ng bansa sa banta ng novel coronavirus.

Sa tulong ng matatapang at mapagmalasakit na mahigit 7,500 na contructors, naitayo ang ospital na may 1,000 beds.

Hindi inalintana ng mga manggagawa ang banta ng nakamamatay na virus at tahimik silang nagtrabaho para sa kapakanan ng mga pasyente.

Enero 24 nang simulan ang konstruksyon sa 33,940 square meters sa Caidan District sa Wuhan at pagsapit ng Pebrero 2 ay nakumpleto na ang ospital.

Pebrero a-tres ay nagbukas ang Fire God Mountain Hospital para gamutin ang mga pasyenteng may pneumonia dulot ng novel coronavirus. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap