CODE RED , ITINAAS NG DOH KASUNOD NG LOCAL TRANSMISSION NG COVID-19

Itinaas na ng Department of Health (DOH) ang code red alert sa Pilipinas matapos na makumpirma ang unang kaso ng local transmission ng coronavirus disease sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang unang kaso ng localized transmission ay ang ikalimang kaso ng sakit na 62 anyos na lalaki at mayroong severe pneumonia.

Sa ilalim ng code red alert sublevel 1, sinabi ng kalihim na mas mapapabilis ang pagkuha ng resources kontra sa virus, mas pabibilisin ang procurement ng mga suplay, at mas paiigtingin ang quarantine measures.

Samantala, sinabi rin ni Duque na inirekomenda na nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng public health emergency sa bansa.

Ito umano ay kahit pa ito lamang ang kaso ng local transmission para mas maging mapagmatyag ang pamahalaan at mailatag ang mga hakbang para maprotektahan ang mga Pilipino mula sa virus. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap