CHINESE NA NAMATAY SA BANSA DAHIL SA NCOV, IKE-CREMATE NA – DOH

May pumayag nang punerarya para i-cremate ang 44-anyos na Chinese national na namatay sa bansa bunsod ng severe pneumonia na dulot ng 2019 novel coronavirus (nCoV).

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ike-cremate ngayong Miyerkules ang bangkay sa isang funeral parlor sa may Araneta Avenue.

Aniya, kinausap nila ang pamilya ng Chinese national at pumayag ang mga ito na i-cremate ang katawan ng dayuhan.

Binigyan diin ni Duque na batay sa impormasyon mula sa World Health Organization (WHO), hindi na nakahahawa ang mga pasyenteng namatay sa nCoV.

Binawian ng buhay ang lalaking Chinese na mula Wuhan noong Sabado. Karelasyon ito ng 38-anyos na babaeng Chinese na unang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap