CHED, ISINUSULONG ANG BLENDED O PINAGSAMANG ONLINE AT CLASSROOM LEARNING

Isinusulong ng Commission on Higher Education ang blended o pinagsamang online at classroom learning sakaling sa Agosto pa magsimulang muli ang klase.

Sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera, maaaring magklase sa mismong silid-aralan ang mga mag-aaral na hindi makapag-i-internet habang online learning naman ang maaaring maging opsyon para sa mga may access sa internet.

Giit ni de Vera, dahil sa sitwasyong dulot ng COVID-19 pandemic, hindi na uubra ang dating gawi na pinapapasok lahat ng estudyante para sa classroom lecture.

Kaugnay nito, tutulong ang CHED na sanayin ang mga guro sa flexible learning bago mag-Agosto. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap