Cascolan, Eleazar special awardees GIYERA SA COVID-19 BIDA SA 119th POLICE SERVICE ANNIVERSARY

PAGLABAN sa COVID-19 pandemic ang naging sentro ng selebrasyon ng ika-119 anibersaryo ng Police Service.

Sa kanyang talumpati ay tiniyak ni
Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Gamboa na maipapanalo ng bansa ang laban sa pandemya.

Sa temang “Towards a pandemic-resilient PNP: Adopting Protective Protocols in the New Normal”, sinabi ni Gamboa na nananatiling matatag ang kanilang organisasyon at handang tumugon sa anumang hamon kasama na ang pagiging fronliner sa laban sa COVID-19.

Kasabay nito, kinilala nya ang sakripisyo ng mga police commissioned officer at non-commissioned police officer na nagpakita ng magandang performance at nagpapatupad sa health standard ng pamahalaan.

Ayon kay Gamboa, bagaman mahigit 2,000 ang tinamaan ng COVID-019 sa PNP, walang timeout sa kanila at tuloy lang sa pagtupad ng kanilang mandato.

Kaniya ring pinasalamatan ang masigasig na pagtugon sa paglaban sa pandemya ng itinatag na Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) na pinamumunuan ni Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan at ang Joint Task Force CS ni Lt. Gen Guillermo Eleazar, deputy chief for operations.

Bilang pagkilala sa serbisyo ng kaniyang mga tauhan,pinarangalan naman ang mga natatanging pulis dahil sa sa iba’t ibang accomplishments at maging sa kampanya laban sa COVID 19.

Nanguna naman sa special awardee
si Cascolan na nagpursigeng maitayo ang unang RT-PCR Test Center sa loob ng Camp Crame at masigasig na nangasiwa sa deployment ng mga frontliner sa iba’t ibang quarantine facilities gaya sa Ultra Sports Complex sa Pasig City, PICC Step down facility sa Pasay City gayundin sa mga itinayong pasilidad sa loob ng Camp Crame.

Awardee rin sina Eleazar,na nangasiwa naman sa mga checkpoints, The Chief for Directorial Staff, Maj. Gen. Cesar Hawthorne Binag bilang vice commander ng ASCOTF, BGen. Emmanuel Licup, The Director for Operations, BGen. Rhodel Sermonia, director ng Region 3 para sa peace and order at PCol. Allen Ray Co, director ng Baguio City para sa mahusay na paggamit ng teknolohiya para mapigilan ang paglawak ng coronavirus sa kaniyang nasasakupan.

Kabilang sa mga unit na pinarangalan ang National Capital Region Police Office, Region 4A, Region 12, Region 11, Iloilo City Police Office, Isabela Police Office, La Trinidad Municipal Police Station, PNP Drug Enforcement Group, Anti-Kidnapping Group.

Iginawad din ng special award sa PNP Health Services, na nagtaguyod ng medical and healh care services gayundin ang safety protocols sa PNP community at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa contact tracing.

Inisa-isa rin ni Gamboa ang accomplishment ng PNP sa nakalipas na taon kabilang na ang pagpapalakas ng human resources sa pmamagitan ng tuloy-tuloy na recruitment, pinaigting na internal cleansing campaign, mas mababang index crime, pagkakahuli ng mga high value target.EC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap