CAROL BANAWA, ISA NG FRONTLINER NURSE SA US NA TUMUTUGON SA COVID 19

Nagsisilbi na rin si Carol Banawa bilang frontliner nurse sa United States na tumutulong sa pagpuksa sa coronavirus disease at tumutulong sa mga patients na may COVID-19.

Sa kanyang larawan sa Instagram account, nakasuot ang former singer ng face shield at mask at nakadamit ng scrub suit.

“New gear. Just got word that I will be floating out of my home unit starting next week to train and help out other units in the next few weeks,” saad ni Carol.

Ang 39-year-old singer ay nag aral ng nursing at nag graduate ito bilang summa cum laude sa Northern Virginia Community College sa Washington D.C. noong 2018.

Iniwan nito ang kanyang showbiz career noong 2003 at nag migrate sa US kasama ang kanyang husband na si Ryan Crisostomo at dalawang anak.

Sa ngayon ay pinaghahandaan ni Carol ang posible pang pagdami ng COVID 19 patients. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap