BUDDY-BUDDY SYSTEM SA POLICE FORCE PAIIRALIN VS COVID-19

UPANG mapaigting ang pag-iingat laban sa COVID-19, nilikha ni PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang sistema na magkakatulungan ang magka-buddy na pulis.

Ayon kay Cascolan na commander ng Administrative Support to COVID-16 Operations Task Force (ASCOTF), tatawagin itong “buddy-buddy system” na naglalayong magtulungan ang dalawang pulis na magkasama sa duty sa usapin ng kalusugan.

Sa nasabing sistema ay mapapalakas ang relasyon bilang magkasama sa trabaho.

Halimbawa nito, magbabantayan ang bawat isa sa kondisyon ng kanilang katawan.

Kapag narinig ng isa na umubo at maputla ang ka-buddy agad tanungin kung ano ang nararamdaman nito.

Ang ka-buddy rin ang tatawag ng medic kung kinakailangan ng paunang lunas.

Sa buddy-buddy system o partner ko sagot ko, hindi gaanong aasa o mababawasan ang pangangailangan ng pulis sa health worker kaya makakapagpokus na lang ang mga ito sa sibilyan na malubha.

Sinabi ni Cascolan na on time ang buddy-buddy system lalo na’t kapos ang healthworkers sa dumaraming bilang ng pasyente ng COVID-19.EC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap