BONGBONG MARCOS AT BONG GO, NANGUNA SA PRESIDENTIAL AT VICE PRESIDENTIAL SURVEY

Sina dating senador Bongbong Marcos at Senator Bong Go ang nanguna sa Pahayag survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc. para sa presidential at vice presidential race.

Si Marcos ay nakakuha ng 49.3% rating, kasunod si Vice President Leni Robredo na may 21.3% sa hanay ng mga naghain ng kandidatura sa pagka-presidente.

NAsa ikatlong pwesto naman si Manila Mayor Isko Moreno (8.8%), sumunod sina Senador Panfilo Lacson (2.9%), Senador Manny Pacquiao (2.8%) at Senador Ronald dela Rosa (1.9%)

Samantala, para sa mga kakandidatong bise presidente, may 23.6% rating si Go, sumunod si Doc Willie Ong (19%) at Senate President Tito Sotto (17.3%).

Pang-apat si Senador Kiko Pangilinan sa 12.3%, sumunod si Buhay party-list Rep. Lito Atienza (2.6%).

May kabuuang 1,500 respondents ang sumagot sa isinagawang survey noong October 11 hanggang October 18, 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap