BATAS NA MAGTATAAS SA BUWIS SA ALAK AT E-CIGARETTES, PIRMADO NA NI PANGULONG DUTERTE

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magtataas sa buwis sa alcohol, heated tobacco at vapor products.

Kinumpirma ito nina Executive Secretary Salvador Medialdea, Presidential spokesman Salvador Panelo at Finance Secretary Carlos Domiguez.

Nobyembre ng nakaraang taon nang setipikahan bilang urgent ang panukala sa dahilang kinakailangan ang tax adjustments upang agad matugunan ang pondong para sa Universal Health Care.

Hulyo 2019 nang lagdaan din ni Pangulong Duterte ang batas para itaas ang excise taxes sa sigarilyo ng P45 per pack ngayong 2020, P50 per pack sa 2021, P55 per pack sa 2022, at P60 per pack sa 2023. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap