BATA, PINASALAMATAN SA SARILING PARAAN ANG MGA DOKTOR AT NURSE SA CHINA

KAHANGA-HANGA ang ipinakitang pasasalamat ng isang batang lalaki sa mga doktor at nurses na gumagamot sa mga tinamaan ng novel coronavirus sa Zhejiang, China.

Sa First Affiliated Hospital, College of Medicine, Zhejiang University, isang batang lalaki ang lumapit sa emergency room at naglagay ng sobre sa lamesa saka sinaluduhan ang isang nurse.

Agad din siyang lumabas sa emergency room bago pa man makapag-react ang mga naroon.

Nang buksan ng hospital staff ang sobre, nakita nila ang siyam na piraso ng 100 yuan at limang piraso ng 20 yuan at sulat ng batang lalaki.

Sinabi ng bata sa mga doktor at nurses na araw-araw ay nagta-trabaho nang mabuti ang mga ito para labanan ang epidemya kaya nais din niyang magbigay ng kontribusyon.

Ito lamang aniya ang kanyang alam na paraan para pasalamatan ang mga ito at sana’y tanggapin nila ang kanyang iniambag. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap