BANKING SYSTEM SA PILIPINAS, GINAGAWANG ‘WASHING MACHINE’ NG DIRTY MONEY NG CHINA’- SEN. DRILON

Mistulang ginagawang ‘washing machine’ ng dirty money mula sa China ang banking system ng Pilipinas.

Ito ang naging pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon matapos mabunyag na mayroong mga Chinese National ang nakapagbitbit ng milyones na dolyar papasok ng Pilipinas.

Naniniwala kasi si Drilon na posibleng galing sa mga illegal activities ang ipinapasok na pera at idinadaan sa mga casino o di naman kaya sa mga bangko sa bansa para malinis.

Ayon kay Drilon ang ganitong gawain ay tahasang paglabag sa anti-money laundering law.

Paliwanag ng mambabatas nangangamba rin siya na posibleng ipinapasok lamang ang mga perang ito sa Casino at pagkatapos ay idedeklarang winnings.

Dagdag pa ni Drilon na dapat agad nai-rereport sa mga sa Anti Money Laundering Council ang mga kaduda-dudang transaksiyon na sangkot ang malaking halaga. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap