ANTI-TERROR UNIT NG PNP KUMANA, 4 SAYYAF NADAKMA!

INIHARAP sa media ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan kaninang umaga ang link diagram ng mga sunod-sunod na inarestong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) kasama ang kanilang senior leader, ng anti-terror unit ng pulisya katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP)sa magkakahiwalay na operasyon sa Sulu at Zamboanga City.

Sa kanyang press briefing sa Camp Crame, iniulat ni Cascolan ang pagkakaaresto ng dalawang local terrorists bunga ng maigting na operasyon.

Unang naaresto nitong Biyernes, Oktubre 9, ng pinagsanib na puwersa ng Police Regional Office 9, Special Action Force, CIDG, 35th Infantry Battalion si Kadija Sadji.

Siya ay sinasabing malapit kay ASG leader Mundi Sawadjaan

Nahuli rin si Abdulman Sarrapudin at Al- Rafee Jailani Sakandal.

Nakuha sa kanila ang mga matataas na kalibre ng baril, granda at isang ISIS flag.

Iniulat din ni Cascolan na naaresto kahapon, October 11, ng pulis katuwang ang Western Mindanao Command sa Zamboanga City si Hassan Mohammad alyas USI na senior leader ng ASG.

Siya naman ay sinasabing malapit kay Radulan Sahiron na isa ring senior leader at kasamang nagtatago ni Sawadjaan.

Si Usi ay sangkot sa sa kasong kidnap for ransom.

Samantala, mas paiigtingin pa ng PNP ang kanilang counter terrorism campaign sa Sulu kung saan pinaniniwalaang nagkukuta pa rin si Sawadjaan.

Naghahanda rin sila sa posibleng pagganti ng mga local terrorist dahil sa mga nahuli at nasawi na nilang kasamahan sa operasyon.EUNICE C.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap