AÑO, KINUMPIRMANG KASAMANG SA DRUG WATCHLIST SI ESPENIDO

KINUMPIRMA ni Interior Secretary Eduardo Año na kasama si Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido sa drug watchlist ng pamahalaan.

Nilinaw naman ni Año na isasailalim pa sa validation ang alegasyon laban sa kontrobersyal na police official.

Matatandaang pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte si Espenido matapos nitong pangunahan ang operasyon na ikinasawi ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na pinaghihinalaang big-time drug lord, noong July 2017.

Una nang tumanggi sa PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa na kumpirmahin ang pagkakasama ni Espenido sa 357 na nasa listahan, sa pagsasabing nangako siya sa mga ito na hindi isasapubliko ang kanilang pangalan.

Gayunman, kinumpirma ni Gamboa na sinibak si Espenido sa puwesto nito bilang Bacolod City police deputy chief for operations, kasabay ng pagsasabing nasa Camp Crame na ito. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap