ANGELS IN WHITE

Sa gitna ng patuloy na paglaban ng China sa nakamamatay na novel coronavirus isang pagpupugay ang ibinigay ng National Centre for the Performaing Arts para sa tinagurian nilang “Angels in White.”

Bilang pakikiisa sa paglaban sa epidemya, isang awit ang nilikha para sa medical workers – mga anghel na nakatago ang mukha sa suot na face mask at tila hindi nakakaramdam ng pagod sa pagtupad sa kanilang tungkulin na makapagligtas ng buhay.

Sa pamamagitan ng kanta ay ipinaabot ng mga nagtanghal ang papuri at taos pusong pasasalamat sa katapangan at sakripisyo ng itinuturing nilang mga anghel./ lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap