8 RECOVERING PATIENTS NG COVID-19 NAKA-QUARANTINE SA PICC

CAMP CRAME-WALONG recovering patients ng coronavirus disease (COVID-19) ang naka-quarantine ngayon sa ginawang health facility na Philippine International Convention Center (PICC) na pinangangasiwaan ng Philippine National Police (PNP) Medical Corps.

Ito ang kinumpirma ni Police Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, PNP Deputy Chief for Administration at commander ng PNP Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF).

Tungkulin ng ASCOTF na sumuporta sa pangangailangan ng PNP personnel na naka-deploy sa health facilities para sa COVID-19 patients.

Kasama sa trabaho ng ASCOTF ang personnel support, logistics, funding, health o deployment ng medical reserve force at contact tracing kaya naman nasa ilalim nila PNP Medical Corps.

Sinabi pa ni Cascolan na ang nasabing bilang na naka-quarantine sa PICC, as of May 2, 8PM, ay kinabibilangan ng limang lalaking pasyente at tatlong babae.

Dahil okupado ang walong beds, mayroon pang available na 286 slots.

Magugunitang una nang kinumpirma ni Cascolan na inilaan ang PICC COVID-19 health facility para sa mga gumaling na pasyente na na-discharge sa ospital.

Aabot naman sa 59 medical reserve force, limang doktor at 56 nurses mula sa PNP Med Corps ang naka-deploy sa nasabing health facility.EUNICE C.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap