8 PATAY SA CHEMICAL GAS LEAK SA INDIA

Nasawi ang walo katao habang mahigit 1,000 naman ang isinugod sa ospital dahil sa Chemical gas leak sa India.

Ayon kay Administrator Vinay Chand, may mga tao ang nawalan ng malay sa kalsada habang iba naman ay isinugod naman agad sa sa ospital sa Vishakhapatnam, ang lungsod sa Andhra Pradesh state.

Nagleaked ang synthetic chemical styrene mula sa LG Polymers plant kung saan ni-re-restart ito ng mga workers matapos isara ang planta noong coronavirus lockdown.

“We are currently assessing the extent of the damage on residents in the town and are taking all necessary measures to protect residents and employees in collaboration with related organizations,” pahayag ng LG Chem, may ari ng LG Polymers.

Nasa 25 ambulansya naman ang i-deniploy para sa mga apektado ng gas leak.

Inilikas na rin ang may 3,000 katao mula sa isang barangay na malapit sa Planta. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap