74 TAONG GULANG NA BABAE, NATAGPUAN PATAY SA PARAÑAQUE… ROBERRY, NAKIKITANG MOTIBO SA KRIMEN

Patay ang isang 74 taong gulang na babae sa loob ng kanyang bahay sa Parañaque City.

Kinilala ang biktima na si Sonia Moral.

Ayon sa Southern Police District (SPD), nagtungo ang mga otoridad sa bahay ni Moral sa Marcelo Green Village matapos humingi ng tulong ang kapitbahay nito dahil hindi sinasagot ng biktima ang kanyang mga tawag.

Nadiskubre ng mga otoridad ang katawan ng biktima na tadtad ng saksak.

Sa inisyal na imbestigasyon, nasa 30 saksak ang timano ng biktima.

Robbery ang nakikitang motibo sa insidente ng mga otoridad dahil nagkalat ang mga alahas na pag aari ni Moral sa loob ng kanyang bahay.

Nagsasagawa na rin ng pagsisiyasat ang mga otoridad sa posibleng mga witness at sinusuri na rin ang mga security cameras sa lugar.

Naganap ang krimen sa kasagsagan ng ipinatutupad na enhanced community quarantine at lockdown sa Luzon (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap