51% NG PUIs, NEGATIBO SA COVID-19 – DOH

MAHIGIT limampung porsyento ng hinihinalang kaso ng coronavirus disease-2019 (COVID-2019) sa bansa ang negatibo sa impeksyon, ayon sa datos mula sa Department of Health (DOH), ngayong Miyerkules.

Mula sa kabuuang 382 persons under investigation (PUI), 196 ang nagnegatibo sa pagsusuri at cleared na.

Samantala, tatlo naman ang nagpositibo habang hinihintay pa ang resulta ng laboratory tests ng 183 na iba pang suspected cases.

Karamihan ng PUIs ay naitala sa Metro Manila, Central Visayas, Central Luzon, Calabarzon, at Western Visayas, base sa real-time tracker ng DOH.

Hindi naman nakasaad sa tracker ang nationalities ng mga inoobserbahan dahil sa posibleng impeksyon.

Ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang nagsasagawa ng mga confirmatory test na kinakailangan upang makumpirma kung ang isang PUI ay may COVID-19.

Ayon sa DOH, karaniwang tumatagal ng 24 hanggang 48 oras bago malaman ang resulta ng mga pagsusuri. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap