4.14M TAMBAY NA PINOY NAITALA NOONG ABRIL SA GITNA NANG PAGPAPATUPAD MULI NG MECQ

Tumaas ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong Abril kumpara sa nakalipas na buwan,nang ibalik sa ilang pangunahing lugar sa bansa ang mahigpit na quarantine restriction sa naturang buwan.

Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot da 4.14 million ang unemployed na Pinoy noong Abril, para sa unemployment rate na 8.7%.

Mataas ito kumpara sa 3.44 million jobless na Filipino at 7.1% na unemployment rate noong Marso.

Isinailalim ang NCR Plus bubble o Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Abril 12 hanggang Abril 30.

Mas maluwag ito ng kaunti sa enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatupad sa NCR Plus simula Marso 29. Una itong itinakdang magtapos ng Abril 4 subalit pinalawig ng isa pang linggo hanggang Abril 11.

Ang NCR region ang nakapagtala ng pinakamataas na unemployment rate sa nabanggit na buwan na 14.4%, katumbas ng 875,000 na walang trabaho kumpara sa 506,000 na tambay noong Enero.

Sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na ang NCR unemployment figure noong Abril ang ikalawa sa pinakamataas na naitala, sunod sa nai-record noong July 2020 na 15.8%. (LSR)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap