357 PULIS NASA DRUG WATCH LIST NI PANGULONG DUTERTE.

Ibinunyag ni Philippine National Police (PNP) chief Archie Francisco Gamboa na nasa kabuuang 357 na pulis ang kanilang iniimbestigahan dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Tumanggi naman si Gamboa na tukuyin ang pangalan ng mga akusadong pulis maliban sa pagsasabing ang mga ito ay may mga ranggong patrolman hanggang police brigadier general.

“What I requested from the President is that we will be given liberty to investigate, adjudicate, validate information and then directly submit to him after one month our recommendation of each and every one of the 357…” ani Gamboa.

Ayon pa kay Gamboa, mahigit 300 pulis ay kabilang sa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The basis of the 357 are basically the PRRD list. We will give the President what can we investigate. Bigay namin sa kaniya, ultimately the last say ay siya pa rin…” pahayag ni Gamboa.

Nakatakda namang isumite ng PNP ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa mga susunod na buwan. (Jane Manalastas)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap