32 FILIPINOS INILIKAS MULA SA AFGHANISTAN, REPATRIATION IKINAKASA NA NG PAMAHALAAN

Tatlumpu’t dalawang manggagawang Pinoy ang lumikas mula sa Afghanistan na kontrolado na ngayon ng Taliban,habang 19 pa ang nakatakdang umalis din doon anumang oras, ayon sa Department of Foreign Affairs ngayong Lunes.

Sinabi ng DFA na inaayos na nila ang repatriation ng mga natitirang Filipino na naiwan sa Kabul na kabisera ng Afghanistan.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Ed MeƱez, sa ngayon ay hindi hihigit sa 130 ang mga Filipino sa Afghanistan.

Itinaas ng Pilipinas ang Alert Level 4, na nanawagan ng mandatory evacuation, para sa buong Afghanistan bunsod ng walang katiyakang security situation sa bansa.

Kinubkob ng Taliban ang Kabul at muling kinuha ang kontrol sa Afghanistan, 20 taon makaraang patalsikin sa pamamagitan ng US-led invasion noong 2001.

Kasunod ng desisyon ng Washington na i-withdraw ang lahat kanilang tropa sa Afghanistan, mabilis na kumilos ang Taliban fighters para mabawi ang mga pangunahing lungsod sa loob lamang ng dalawang linggo hanggang sa bumagsak ang Afghan government. (LSR)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap