30,000 COVID-19 TEST KADA ARAW, NAABOT NA NG PILIPINAS

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na naabot na ng bansa ang testing capacity target na 30,000 bawat araw.

Ayon kay Roque, umabot na sa 32,100 ang daily testing capacity noong May 20.

Giit ni Roque na target ng gobyerno na magkaroon ng 66 COVID-19 testing laboratories sa bansa bago matapos ang kasalukuyang.

“Our first step to increasing the number of daily tests conducted is to expand our testing capacity. This means more accredited laboratories and more automated machines so that we are capable of testing up to 30,000 plus per day,” ani Roque.

Una nang inihayag ng Kalihim na plano ng pamahalaan na isailalim sa COVID-19 test ang 2 porsiyento ng populasyon ng bansa upang masuri ang lawak ng epekto ng COVID-19 outbreak sa bansa. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap